Duterte napikon sa depensa ng Rappler sa desisyon ng SEC

Inquirer file photo

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang naging desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawagan siya sa telepono kagabi ng pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa desisyon ng SEC.

Iginiit pa ni Roque na “no one is above the law” dahil malinaw sa isinasaad sa batas na dapat ay 100 percent na pag-aari ng Filipino at hindi ng isang dayuhan ang isang media entity.

Iginiit pa aniya ng pangulo na unfair ang pahayag ni Ressa.

Hindi rin aniya pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng SEC dahil kung tutuusin ay pinapayagan pa naman ng Malacañang na makapag-cover ang kanilang reporter na nakatalaga sa Palasyo.

Dismayado aniya ang pangulo dahil panay ang batikos ng Rappler sa mga indibidwal na lumalabag sa Konstitusyon gayung sila mismo ay lumalabag sa mga itinatadhana sa ating Saligang Batas.

Read more...