Malawakang brownout sa summer ibinabala ng ERC

By Ruel Perez January 16, 2018 - 03:23 PM

Radyo Inquirer

Nagbabala ang ERC o energy regulatory commission ng malawakang brownout simula sa Marso o pagpasok ng panahon ng summer.

Ito’y kapag wala pa ring naaprubahang bagong kontrata para sa suplay ng kuryente hanggang sa susunod na buwan.

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, maraming power supply contracts ang nakatakda nang mag-expire ngayong buwan pero hindi makapagsagawa ng meeting at hearing ang ERC para dinggin ang mga bagong power supply applications dahil suspendido pa ang apat na commissioners nito.

Paliwanag ni Devanadera, tali ang kanilang kamay nila dahil wala naman itinalaga ang pangulo na OIC o officer-in-charge o pansamantalang kapalit ng apat
habang sila ay suspendido.

Ang apat na commissioners ng ERC ay pinatawan ng isang taong suspensyon ng office of the ombudsman dahil sa maanomalyang kontrata sa mga power generation companies na konektado sa Meralco.

TAGS: devanadera, erc, Senate, devanadera, erc, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.