Pagpigil sa bahin delikado ayon sa isang pag-aaral

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2018 - 12:43 PM

Maaring magdulot ng pagkasira ng lalamunan, diprensya sa ear drum o pamamaga ng blood vessel sa utak kung pipigilan ng isang tao ang kaniyang pagbahin.

Ito ang lumitaw sa isinagawang pag-aaral na isinapubliko sa medical journal na BMJ Case Reports.

Ayon sa mga eksperto, maling-mali ang nakagawian ng ilan na pigilan ang pagbahin lalo na ang pagpindot pa sa ilong para hindi tumuloy ang hatsing o maawat ang lakas nito.

Inihalimbawa sa naturang pag-aaral ang sinapit ng isang 34-anyos na lalaki na nagtungo sa emergency room ng isang ospital sa Leicester, England nang namamaga ang leeg at dumadaing ng matinding sakit.

Ayon sa nasabing pasyente, matapos niyang pigilan ang pag-hatsing niya sa pamamagitan ng pagpindot sa kaniyang ilong at pagsara sa kaniyang bibig ay nakaramdam na siya ng tila pamamaga sa leeg.

Nang magsagawa ng test, natuklasan na ang pwersa ng pinigilang bahin ay nagdulot ng punit sa likuran ng lalamunan ng pasyente.

Dahil dito, nahirapan siyang kumain at makapagsalita kaya ginamitan ng tubo sa ospital at binagyan ng intravenous antibiotics para maawat ang pamamaga at sakit.

Payo ng mga eksperto, huwag pipigilan ang pagbahin kung nakararamdam nito.

Ugaliin na lang magdala ng panyo o tissue na maaring ipantakip kapag nahahatsing.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BMJ case report, medical journal, sneezing, study, BMJ case report, medical journal, sneezing, study

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.