Resolusyon sa pag-convene ng Kongreso para sa Constituent Assembly hindi naaprubahan sa plenaryo ng Kamara

By Erwin Aguilon January 16, 2018 - 08:40 AM

Photo by JOAN BONDOC | Philippine Daiy Inquirer

Bigo ang Kamara na maaprubahan sa plenaryo ang House Concurrent Resolution number 9 para sa pagco-convene ng dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Constituent Assembly o Con Ass.

Ito ay matapos kwestyunin ni Caloocan City Rep. Edgar Erice ang qourum sa unang araw ng pagbabalik ng sesyon ng Kamara.

Sa record ng Kamara, 233 na mga mambabatas ang present pero matapos ang privilege speech sa resolusyon nasa 20 na lamang ang naiwan sa plenaryo nito.

Gayunman, sinabi ni Rep. Roger Mercado, chairman of the Committee on Constitutional Amendment na on track sila para isulong ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan.

Ayon kay Mercado nakatakda ring magpulong ngayong araww ang komite upang alamin kung anong mga probisyon sa panukalang charter change ang kailangan ng mas maraming oras upang pagdebatehan sa Con-Ass proper.

Kabilang anya sa mga mahahalagang probisyon ay ang federalism, economy, agriculture at environment protection.

Kapag anya naaprubahan ang House Concurrent Resolution 9 lahat ng rekomendasyon kabilang na ang sa PDP-LABAN draft Constitution at iba pang amendments na isinumite ng mga miyembro ng Kamara ay tatalakayin ng iba’t-ibang komite base sa itinatadhana ng rules ng con-ass.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: con ass, House of Representatives, joint session, Senate of the Philippines, con ass, House of Representatives, joint session, Senate of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.