Malaysia, pinagtibay ang hatol na kamatayan sa 9 na Pinoy sa 2013 Lahad Datu incident

By Jay Dones January 16, 2018 - 03:51 AM

 

Pinagtibay ng Malaysian court ang hatol na kamatayan sa siyam na Pilipinong sangkot sa iligal na panghihimasok sa Lahad Datu sa Borneo noong 2013 at sa pagtatangka ng mga itong sakupin ang naturang isla.

Matatandaang 27 katao ang nasawi sa operasyon na inilunsad ng Malaysia upang mapatalsik ang mga armadong kalalakihan sa Sabah na tumagal ng mahigit isang buwan.

Ang mga armadong suspek ay nagpakilalang noon bilang mga mga tauhan ng nagpakilalang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram.

Ayon sa desisyon ng 5-member Federal court, makatwiran ang naunang desisyon ng mababang hukuman nang hilingin nitong itaas sa death penalty mula sa orihinal na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga naarestong Pinoy.

Bukod sa siyam na naarestong Pinoy, pinagtibay rin ng korte ang desisyon na palayain ang labing-apat pang mga naaresto kaugnay sa Lahad Datu incident.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.