Hindi kami galit kay Sereno–Justices Peralta, Martinez at Bersamin

 

Noy Morcoso/Inquirer.net

Itinanggi ng tatlong Supreme Court Associate Justices na tumestigo sa pagdinig ng House Committee on justice na biased at masama ang kanilang loob kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Binigyang-diin nina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Samuel Martirez na hindi sila galit sa Punong Mahistrado.

Nilinaw ni Bersamin na wala siyang intensyon na patalsikin sa puwesto si Sereno sa kabila ng mga balita na may galit siya rito.

“Wala po akong masamang loob sa Chief Justice. Mahal ko siya. As the leader of my institution, I will respect her,” paglilinaw ni Bersamin.

Sinabi naman ni Peralta na “mahal” niya si Sereno kaya nirerespeto at kinikilala niya ang mga “difficulties” nito.

“I respect the Chief Justice. Anything that has been assigned to me, I accept it,” ayon naman kay Peralta.

Ayon naman kay Martirez, hindi siya basta gagawa ng kuwento para lamang tumestigo laban kay Sereno.

Ito ay dahil aniya naging mabait naman daw sa kanya ang Punong Mahistrado, gayundin siya dito.

Read more...