11,000 tahanan sa Taguig, pansamantalang mawawalan ng tubig

By Mark Makalalad January 16, 2018 - 12:00 AM

Aabot sa 11,000 households sa Taguig City ang makararanas ng pansamantalang water service interruption simula alas-10:00 ng gabi bukas, January 16.

Sa anunsyo ng Manila Water Company Inc. kanilang sinabi na magsasagawa sila ng improvement works sa dalawang magkahiwalay na lokasyon sa Cuasay Road na makakapekto sa suplay ng tubig sa ilang baranggay.

Apektado nito ang Barangay Central Signal, South Signal, bahagi ng Western Bicutan (SS Brigade), at bahagi ng Pinagsama (EP Housing Phase I).

Walong oras ang itatagal ng pagputol ng suplay ng tubig na inaasahan namang maibabalik sa January 17 ng alas-6:00 ng umaga.

Inabisuhan naman ang mga maaapektuhang residente na mag- imbak ng sapat na tubig.

Kasabay nito, sinabi rin ng Manila Water na isasara ang bahagi ng Cuasay Road dahil sa maintenance activity.

Lahat ng sasakyan na magmumula sa C5 ay inaabisuhang tahakin ang Sto. Niño Street.

Sa mga manggagaling naman sa C6 ay inabisuhang kumanan sa 10th Street, dirediretso sa Sampaloc Street, tapos kumaliwa sa Molave Street para makarating sa MRT Cuasay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.