Desisyon ng SEC sa kaso ng Rappler pinuri ng OSG
Pinuri ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagpapawalang bisa ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Certificate of Incorporation ng online media company na Rappler.
Sa pahayag ni Solgen Jose Calida, sinabi nito na ipinapakita ng desisyon na walang pinipili ang batas.
“This decision demonstrates that even influential media outfits cannot skirt the restrictions set forth in the Constitution”, sabi ni Calida.
Dagdag ng OSG, malaya ang Rappler na idulog sa korte para sa kanilang sitwasyon.
Handa naman aniya ang kanilang tanggapan na idipensa ang pasya ng SEC kahit saang forum.
Unang ipinag-utos ng SEC na pawalang bisa ang Certificate of Incorporation ng Rappler matapos lumabas sa kanilang pagsisiyasat na hindi ito 100 percent na pag-aari ng mga Pinoy tulad ng hinihinging kondisyon ng Konstitusyon.
Sa pahayag naman ng Rappler, tinawag nito ang desisyon ng SEC na harassment.
“In a record investigation time of 5 months and after President Duterte himself blasted Rappler in his second SONA in July 2017, the SEC released this ruling against us. This is pure and simple harassment, the seeming coup de grace to the relentless and malicious attacks against us since 2016”, ayon sa pahayag ng rappler
Tiniyak din ng Rappler na ipaglalaban nila ang kanilang sarili sa ligal na pamamaraan pati ipagpapatuloy ang pagbibigay ng balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.