Dante Jimenez bagong pinuno ng PACC

By Chona Yu, Den Macaranas January 15, 2018 - 06:23 PM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang kanyang gagawin sa paglilinis sa kanyang administrasyon partikular na sa mga sangkot sa pagnanakaw sa pondo ng pamahalaan.

Ayon sa pangulo, “Itong graft and corruption will continue. Pero ‘wag sa panahon ko. Just give Filipinos respect for about 4 years. Not during my watch, please”.

Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony ng mga bagong patrol cars sa PNP sa Davao City ay inihayag ng pangulo ang pangalan ng mga bagong opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Hinirang ng pangulo si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez bilang pinuno ng nasabing komisyon.

Kabilang sa mga bagong PACC Commissioners na hinirang ng pangulo ay sina Gregory Luis Contacio III, Rickson Chiong at si dating Manila City Councilor Greco Belgica.

Ang appointment papers ng mga bagong PACC officials ay nilagdaan ng pangulo noong January 12.

TAGS: belgica, corruption, Dante Jimenez, pacc, vacc, belgica, corruption, Dante Jimenez, pacc, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.