Kongresista nagpasalamat sa pagbaba sa pwesto ng pinuno ng CHED

By Erwin Aguilon January 15, 2018 - 03:26 PM

Nagpasalamat si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles kay outgoing Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan matapos itong magbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Nograles, tama lamang ang hakbang ni Licuanan na magresign na sa pwesto at hindi na hintayin pa ang pagtatapos ng termino nito sa buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.

Si Nograles ang nagbulgar ng mga umano’y hindi otorisado at walong sunud-sunod na byahe na ginawa ni Licuanan habang CHED chairperson.

Sa kabila ng mga ibinunyag noong una ni Nograles laban kay Licuanan, nagpasalamat naman ang kongresista sa ginawang serbisyo ng nasabing opisyal.

Kahit umalis na sa pwesto si Licuanan, patuloy pa rin umano silang mangangalampag para sa mga naging biktima ng pagiging inefficient nito sa ahensiya.

Magugunitang kanina ay tinanggap na rin ng Malacañang ang pagbibitiw sa pwesto ni Licuanan.

TAGS: CHED, licuanan, Nograles, CHED, licuanan, Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.