Muling nagkaroon ng pyroclastic flow sa bulkang Mayon Lunes ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, muling nagbuga ang Mayon ng mainit na hangin at makapal na abo.
Nakuhanan ito ng mga larawan mula sa Mayon Volcano Observatory sa Lignon Hill dakong 9:41 ng umaga.
Makikita sa mga litrato ang kulay gray hanggang puting abo o usok mula sa bunganga ng Mayon.
Sa kapal ng abo, hindi na makikita ang bulkan.
Una nang itinaas ng Phivolcs ang alert level 3 sa Mayon na nangangahulugan na nadagdagan ang posibilidad na pagsabog ng bulkan.
Sinabi ni Phivolcs Bicol Chief Ed Laguerta na hindi pa nila malaman ang layo ng lava flow ng panibagong pagbubuga ng abo dahil sa mga ulap.
Pero ang pagbuga aniya sa crater ng bulkan ay indikasyon ng simula ng pagbuhos ng lava sa Southern slope ng Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.