Tatlong mahistrado ng Korte Suprema dumalo sa pagpapatuloy ng impeachment hearing vs Sereno
Tatlong kasalukuyang mahistrado ng Korte Suprema ang humarap sa House Justice Committee sa pagpapatuloy ng pagdinig sa probable cause ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Samuel Martires ay maagang dumatig sa kamara.
Kasama ring dumalo si Court Administrator Midas Marquez.
Ang pagdinig ay bahagi pa rin ng pagtukoy ng komite kung mayroon bang probable cause para maisulong ang impeachment laban sa punong mahistrado na inihain ni Atty. Larry Gadon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.