CHED Chairperson Patricia Licuanan, nagbitiw na sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Commission on Higher education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan.

Inanunsyo ni Licuanan ang pagbibitiw sa pwesto sa flag ceremony sa tanggapan ng CHED sa Quezon City.

Ayon kay Licuanan, nakatanggap siya ng tawag mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaya nagpasya na siyang mag-resign.

Pero hindi na idinetalye ni Licuanan kung ano ang napag-usapan sa nasabing tawag.

Sa katapusan pa sana ng Hulyo matatapos ang termino ni Licuanan sa pwesto.

Itinanggi naman ni Licuanan sa kaniyang pahayag sa harap ng mga empleyado ng CHED ang mga akusasyon ng korapsyon laban sa kaniya.

Una nang napabalita na sobra-sobra din ang mga biyahe sa ibang bansa ni Licuanan.

Pero sinabi ng opisyal na lahat ng kaniyang biyahe abroad ay aprubado ng Malakanyang.

Ani Licuanan, noong 2017, walo ang kaniyang biyahe sa ibang bansa at lima lamang sa mga ito ang gastos ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...