Temperatura sa Baguio City, lalo pang bumaba

By Kabie Aenlle January 15, 2018 - 03:57 AM

 

File photo

Patuloy na bumabagsak ang temperaturang naitatala sa Baguio City.

Kahapon, araw ng Linggo ay nakapagtala ang PAGASA ng 11.4 degrees Celsius sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines.”

Nagsimula ang pagbaba ng temperatura sa lungsod noong Biyernes kung kailan naitala ang 14 degrees, na dumausdos pa sa 12.8 degrees pagdating ng Sabado.

Mas mababa ito sa naitalang 11.5 degrees noon pang December 16.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng mas malamig na panahon ang mga lalawigan sa Northern at Central Luzon dahil sa hanging Amihan.

Kadalasang mas lumalamig ang panahon sa Baguio City mula November hanggang February.

Dahil sa malamig na panahon, inaasahang mas maraming turista ang aakyat sa Baguio City para ito ay maranasan.

Inaasahan din na mas lalamig pa ang panahon sa Baguio City sa mga susunod na araw dahil sa pag-abot ng hanging Amihan sa rurok nito hanggang Pebrero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.