OVP, pumalag sa planong pagbuwag sa kanila sa ilalim ng panukalang Cha-Cha

By Rhommel Balasbas January 15, 2018 - 03:53 AM

 

Kinuwestyon ng Office of the Vice President (OVP) ang panukalang buwagin ang kanilang tanggapan sa ilalim ng federalismo.

Matatandaang nagsumite na ng draft Charter ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP Laban) na layong palitan na ang kasalukuyang uri ng pamahalaan.

Ayon kay OVP legal adviser Atty. Barry Gutierrez, dapat ay diretsong nakaangkla lamang ang Charter Change (Cha-Cha) proposal sa pagtaguyod at pagbuo ng federalismo.

Hindi dapat anya ito magbigay daan sa abolisyon ng tanggapan ng bise presidente.

Kinukwestyon ni Gutierrez kung ano ang koneksyon ng pagbuwag sa OVP sa pagbuo sa federalismo o kung isa pa itong hiwalay na layunin.

Iginiit niya na 80 taon nang nakatayo ang OVP mula pa nang buoin ito sa ilalim ng 1935 constitution.

Nauna na ngang nagpahayag ng pagtutol si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa planong pag-amyenda sa 1987 Constitution dahil din sa anya’y bubuwagin nito ang OVP at maaaring payagan ang re-election ni Duterte sa 2022.

Samantala, nauna nang iminungkahi ni Robredo ang mas seryosong diskusyon sa mga panukalang amyendahan ang kasalukuyang Saligang Batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.