Bukod sa dalawang naunang malakas na pagyanig, nakapagtala pa ng dalawang banayad na aftershocks ang Phivolcs sa lalawigan ng Occidental Mindoro kaninang madaling-araw.
Unang naganap ang magnitude 2.8 na aftershock sa layong 24 kilometro sa kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro dakong ala-1:30 ng umaga.
Sinundan ito ng magnitude 3.1 na pagyanig makalipas ang limang minuto o 1:35 ng madaling-araw sa kaparehong lugar.
Kapwa tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.
Wala namang intensity na naitala resulta ng paggalaw ng lupa sa lugar.
Matatandaang bago maghatinggabi, naitala ang kambal na lindol malapit sa bayan ng Paluan.
Ang una ay naitala sa magnitude 5.0 samantalang ang ikalawa ay nasa 5.2 magnitude ang lakas.
Dahil sa lakas pagyanig, naramdaman hanggang Metro Manila ang paggalaw ng lupa.