Anak ng konsehal, patay sa bumagsak na puno sa Bacolod

By Kabie Aenlle January 15, 2018 - 03:00 AM

 

Nasawi ang pitong taong gulang na anak na lalaki ng isang konsehal sa Bacolod City.

Ito’y matapos na masangkot ang kaniyang pamilya sa isang malagim na trahedya kung saan bumagsak ang daan-libong taong gulang na puno ng mahogany sa sinasakyan nilang sports utility vehicle sa Bacolod City.

Namatay ang biktimang si Ken Marion Peñaflorida dahil sa mga natamong pinsala sa ulo, habang ang kaniyang ina naman na si Maureen ay nasugatan sa kanang mata.

Ang ama ng biktima na si Councilor Kent Roger Peñaflorida ng bayan ng Pototan sa Iloilo ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan patungo sa Campuestohan Highland Resort sa Talisay City.

Nang madaanan ng mga biktima ang Bacolod Boy’s Home sa Barangay Granada, umihip ang napakalakas na hangin kaya natumba ang puno na bumagsak sa windshield at hood ng sasakyan.

Ayon kay Chief Insp. Sherlock Gabana, kalong ng ina ang bata at tumama ang ulo nito sa windshield nang pumreno ang konsehal dahil sa pagbagsak ng puno.

Nagtamo ng depressed skull facture ang bata na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.