(As of 1:40 AM) Occidental Mindoro, niyanig ng dalawang magkasunod na lindol
Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Occidental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng magkahiwalay na pagyanig sa bayan ng Paluan.
Naganap ang unang pagyanig na may lakas na Magnitude 5.0 kaninang 11:20 ng gabi.
Una nang iniulat ng Phivolcs na may lakas itong magnitude 4.9 ngunit itinaas sa kanilang earthquake information number 2.
Sa unang lindol (11:20 PM)
Intensity IV:
-Abra de Ilog, Occidental Mindoro,
Intensity III
-Sablayan, Occidental Mindoro,
Intensity II
-Pola, Oriental Mindoro;
-Quezon City;
-Pasay City;
-Malolos Bulacan
Intensity I
-naman ang sa Coron, Palawan.
Instrumental Intensity II
-Tagaytay City;
-Calatagan, Batangas
– Calapan, Oriental Mindoro.
Samantala, makalipas ang ilang minuto ay niyanig muli ng lindol ang naturang lugar.
Ganap na 11:49 ng gabi nang maitala ang magnitude 5.2 na pagyanig.
Intensity IV
-Paluan, Occidental Mindoro
-Mamburao, Occidental Mindoro
Intensity III
-Quezon City;
-Tagaytay City
Intensity II
-City of Manila;
-Calatagan, Batangas
Intensity I
-Nasugbu, Batangas
Instrumental Intensities:
Intensity III
-Tagaytay City;
-Calapan, Oriental Mindoro
Intensity I
-Muntinlupa City;
-Bacoor City;
-Pasig City;
-Malolos, Bulacan;
-Marikina City;
-Guagua, Pampanga
Wala namang inaasahang mga pagkasira sa ari-arian ngunit inaasahan ang mga kasunod na pagyanig o aftershocks./ Rhommel Balasbas
Excerpt: Naganap ang magkasunod na lindol kaninang 11:20 at 11:49 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.