Magnitude 7.1 na lindol yumanig sa baybayin ng Peru
Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang timog-timogkanlurang bahagi ng bayan ng Acari na nasa timog ng Lima, Peru umaga ng Linggo, January 14.
May lalim na 12.1 kilometro ang naturang lindol.
Unang inabiso ng USGS na magnitude 7.3 ang lindol, ngunit nang lumaon ay ibinaba ito sa magnitude 7.1.
Kinansela na rin ng USGS ang una nitong inilabas na tsunami warning sa Peru at Chile. Ngunit nag-abiso pa rin ang USGS na posibleng magkaroon ng mahinang sea level flactuations o paggalaw ng dagat malapit sa dalawang naturang bansa.
Ayon naman sa gobernador ng Arequipa region ng Peru na si Yamila Osorio, wala silang naitalang namatay o nasugatan dahil sa lindol.
Samantala, nakapagtala sila ng minor material damage o pagkasira sa ilang mga ari-arian, kabilang ang ilang mga gumuhong kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.