Olympic boxing champion na si Claressa Shields, tinalo si Tori Nelson
Wagi sa pamamagitan ng unaninous decision ang two-time Olympic boxing champion na si Claressa Shields laban kay Tori Nelson.
Dahil dito napanatili ni Shields ang kanyang women’s WBC at IBF super middleweight world titles.
100-90 ang scores na ibinigay ng tatlong judges pabor kay Shields na halos 20 taong mas bata kay Nelson.
Ito ang unang pagkatalo ni Nelson sa kanyang karera kung saan nakapagtala siya ng 17-1-3-1 win-loss-draw-knockout record. Samantalang 5-0-2 naman ang win-loss-KO record ni Shields.
Sa naturang laro, 225 sa 632 na ibinigay na mga suntok ni Shields ang tumama sa kalaban. Habang si Nelson naman ay nagbigay ng 400 na suntok, ngunit 81 lamang dito ang pumasok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.