Sakit dahilan ng kamatayan ng 6 na Pinoy sa Pilgrimage sa Mecca

By Den Macaranas September 26, 2015 - 03:49 PM

Inquirer/AP Photo
Inquirer/AP Photo

Nilinaw ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Director Dr. Abdulnasser Masongsong Jr. na sakit at walang direktang kaugnayan sa naganap na stampede sa Mecca ang dahilan ng kamatayan ng anim na Pinoy na naka-takda sanang lumahok sa tauhang Hajj Pilgrimage.

Bagaman hindi na pinangalanan ang mga biktima, sinabi ni Masosong na ang mga namatay ay may mga sakit na bago pa man sila nagpasyang sumama sa byahe ng halos ay dalawang libong mga pinoy-muslims sa Mecca.

Ang ilan sa mga ito ay may sakit sa puso, pneumonia, liver cancer, cirrhosis at ang isa sa kanila ay namatay habang nasa eroplano pa lang papunta sa Saudi Arabia.

Sa kabuuan ay pitong mga pinoy ang nai-report na namatay kaugnay sa ginanap na Hajj pero isa lamang dito ang direktang may kaugnayan sa stampede ayon kay Masosong.

Ang namatay sa stampede ay isang pinay nurse na una na ring kinumpirma ng Department of Foreign Affairs.

Ipinaliwanag din ng naturang opisyal ng NCMF na inilibing na sa Mecca ang mga namatay at inabisuhan na nila ang kaanak ng mga ito hingil sa kanilang sinapit sa Saudi Arabia.

Sa pinaka-huling tala ng Saudi Interior Ministry, umaabot na sa kabuuang 717 ang bilang ng mga namatay sa stampede at nasa 863 naman ang bilang ng mga nasaktan na hanggang ngayon ay ginagamot pa rin sa mga ospital sa lugar.

Naganap ang stampede sa Street 204 sa Camp City ng Mira na hindi naman kalayuan sa sentro ng pagdiriwang sa banal na lungsod ng Mecca.

TAGS: hajj, mecca, saudi arabia, Stampede, hajj, mecca, saudi arabia, Stampede

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.