Ilang lugar sa Maynila, mawawalan ng tubig sa susunod na linggo

 

Inanunsyo ng Maynilad na simula bukas, araw ng Lunes, January 15 ay mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Maynila.

Ito ay dahil sa kanilang pagsasaayos ng kanilang sistema upang makapagbigay ng masmabuting serbisyo para sa mga Maynilad consumer.

Simula alas-10 ng gabi bukas hanggang alas-4 ng madaling araw ng January 16 ay mawawalan ng supply ng tubig ang mga sumusunod:

– Moriones
– Sta. Maria
– Velasquez
– Juan Luna
– Barangay 57, 59, 60-65, 74-76, at 78

Sa kaparehong oras naman sa January 17, araw ng Miyerkules ay mawawalan ng tubig ang mga sumusunod:

– Lakandula
– Sto. Cristo
– Zaragosa
– C.M. Recto
– Creek
– Moriones
– Barangay 1-4, at 6-9

Makakaranas rin ng water interruption sa kaparehong oras para naman sa gabi ng Miyerkules, January 17 hanggang madaling araw ng Huwebes, January 18 ang mga lugar ng:

– Moriones
– Juan Luna
– Estero de la Reina
– Barangay 56, 58, at 60-61

Samantala, simula alas-11 ng gabi ng January 17 hanggang ala-3 ng madaling araw ng January 18 ay makakaranas ng kawalan ng supply ng tubig ang:

– Honorio Lopez Boulevard
– Malaya
– Simeon de Jesus
– R. Nicasio
– Barangay 124-127

Sa kaparehong oras para sa araw ng Huwebes, January 18 hanggang January 19 ay mayroong service interruption ang mga lugar ng:

– Quiricada
– Rizal Avenue
– Mayhaligue
– T. Alonzo
– Ipil
– Barangay 261, 326-328, at 332-324

 

Read more...