Panibagong phreatic eruption naganap sa Bulkang Mayon

By Justinne Punsalang January 14, 2018 - 04:39 PM

 

Isa na namang phreatic eruption ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon kaninang umaga.

Alas-11:43 ng umaga nang maitala ng PHIVOLCS ang pagbubuga ng naturang bulkan ng usok at abo.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na advisory ang ahensya tungkol sa naturang aktibidad ng Mayon. Ngunit sa post ng official Facebook page ng PHIVOLCS ay sinabing umabot ang ashfall sa bayan ng Camalig, Albay.

Ito na ang ikalawang phreatic eruption ng bulkan ngayong araw, at ikatlo naman sa loob ng 24 na oras.

Unang naitala ang pagbubuga ng usok at abo ng Mayon kahapon, January 13, bandang 4:21 ng hapon, at ikalawa naman kaninang 8:49 ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.