Inanunsyo ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magsasagawa sila ng malawakang kilos protesta sa susunod na linggo.
Ayon sa PISTON, ang isasagawa nilang demonstrasyon sa January 24 ay bilang pagtuligsa sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Gusto rin ng grupo na iparating sa pamahalaan ang kanilang hiling na magkaroon ng P6 kada litrong diskwento sa langis ang mga jeepney kaugnay sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Layunin rin ng gagawing kilos protesta sa tapat ng mga himpilan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa ang kundenahin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanilang national president na si George San Mateo.
Paglilinaw naman ni San Mateo, hindi transport strike ang kanilang gagawin.