VP Robredo posibleng matanggal sa pwesto dahil sa Cha-Cha

By Justinne Punsalang January 14, 2018 - 04:33 PM

 

Hindi malayo na buwagin ang Office of the Vice President sakaling matuloy ang Charter Change, habang posible namang mabigyan ng pagkakataon para sa reelection si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ito ang naging pahayag ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Aniya, sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Constitution ay posibleng mabuwag ang OVP sa 2019, sakaling magkaroon na ng bagong Konstitusyon sa bago pa ang 2019 elections.

Sa ilalim kasi ng Section 7, Article VII ng PDP-Laban Constitution, nakasaad na sakaling matanggal sa pwesto ang pangulo ay mapapalitan ito ng Senate President, o kung hindi nito kayang gampanan ang tungkulin ay ang House Speaker ang manunungkulan sa nabakanteng posisyon.

At dahil hindi nabanggit sa line of succession ang bise-presidente sa ilalim ng bagong Saligang Batas, ay hindi na kailangan pa si Vice President Leni Robredo at ang OVP.

Samantala, nakasaad naman sa ilalim ng Section 3, Article VII ng PDP-Laban Constitution na matapos ang unang anim na taong panunungkulan ay maaaring muling tumakbo ang pangulo.

Ani Colmenares, pasok dito si Pangulong Rodrigo Duterte, bagaman nanuna nang ipinahayag ng Malacañang na walang balak ang pangulo na palawigin pa ang kanyang termino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.