600k halaga ng shabu nasabat sa Camarines Sur

 

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Naga, Camarines Sur, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Rodel Camaro, 36 na taong gulang.

Nasabat mula dito ang may kabuuang 110 gramo ng shabu na tinatayang nasa P600,000 ang halaga.

Ngunit giit ni Camaro, hindi sa kanya at inilagay lamang sa kanya ng mga pulis ang nakumpiskang mga iligal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...