Daloy ng trapiko sa NLEX, hindi apektado ng INC event sa Phil. Arena
Maayos na umuusad ang mga sasakayan at wala namang pagbibigat sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx ayon sa Tollways Management Corp.(TMC) kaugnaysa malaking event na nagaganap sa Annual Evangelical Mission ng Iglesia ni Cristo o INC sa Philippine Areana sa Bocaue Bulacan.
Ayon kay Francis Dagohoy, media relations head ng TMC bahagyang pagbagal lamang sa magkabilang panig ng NLEX ang napa-ulat sa kanilang traffic monitoring center malapit sa Philippine Arena bago sumapit sa Bocaue at Sta. Maria Bulacan exit kung saan nagsasagawa ng kanilang mga religious activities ang INC mula umaga hanggang alas-siyete ng gabi mamya.
Sinabi rin ni Dagohoy na nagpakalat na sila ng nasa 160 traffic patrol officers upang tumulong sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at karagdagang pulis din mula naman sa Bulacan upang ma siguro ang seguridad sa paligid ng NLEX at Philippine Arena.
Samantala, ipinaliwanag ni Bro. Edwil Zabala tagapagsalita ng INC na ang pagdiriwang na ito ay ang pinakamalaking evangelical mission sa history ng relihiyon na dadaluhan ng libo-libong miyembro ng INC.
Inaasahan din ang 50,000 seat multipurpose indoor arena sa Ciudad de Victoria ay mapupuno dahil sa pagdagsa ng mga dadalo na magmumula pa sa ibat ibang lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.