8 kalsada at 3 tulay, itatayo sa Mindanao sa pamamagitan ng pautang mula sa ADB

By Ricky Brozas January 14, 2018 - 12:20 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Labing-isang malalaking imprastraktura ang itatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mindanao sa pamamagitan ng $380 million loan agreement mula sa Asian Development Bank (ADB).

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez at ADB President Takehiko Nakao bilang tulong sa pagpapatupad ng Improving Growth Corridors Road Sector Project.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sakop ng proyektong popondohan ng pautang mula sa ADB ang konstruksyon ng walong kalsada sa Zamboanga Peninsula na may kabuuang haba na 277.23 kilometers at karagdagang tatlong tulay sa Lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ipatutupad umano ang mga proyekto mula 2018 hanggang 2023. Kasama sa mga proyekto na sisimulan nang isailalim sa bidding ang konstruksyon ngayong taong ito ay ang Alicia-Malangas Road; Tampilisan-Sandaying Road; Lutiman-Guidan-Olutanga Road at Guicam Bridge.

Kabilang din sa itatayo ang mga tulay sa Malassa-Lupa Pula; Tongsinah-Paniongan at Nalil-Sikkiar. Ang kabuuang halaga ng mga proyekto ay nasa P25.257 billion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.