Sinabi ni I-ACT Communications and Administration Head Elmer Argaño, natikitan ang mga pampublikong sasakyan tulad na jeep na karag-karag na at bumubuga ng maiitim na usok, samantala sinita lamang ang iba pang PUVs na gumagamit ng pudpod na gulong at hindi gumagamit ng head light.
May mga sinita rin umano silang mga Jeep na imbes na gamitin ay ginagawang sampayan ang seat belt.
Hinimok naman ni Argaño ang publiko na isumbong sa I-ACT ang mga pasaway na PUVs tulad ng Bus, Jeep, taxi at UV Express sakaling may mapansin silang paglabag ng mga ito tulad ng pamamasada nang walang ilaw at iba pa.
Kabilang sa maaring pagsumbungan ng publiko ay sa pamamagitan ng Facebook page nito na I-ACT at email address na I-ACT@dotr.com.ph