Nasampulan ng I-ACT na pasaway na PUVs, umabot na sa mahigit 900

By Ricky Brozas January 14, 2018 - 12:13 PM

Nasa 900 na bilang na ng mga pasaway na Public Utility Vehicles na ang karamihan ay Jeepney ang nahuli ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT.

Sinabi ni I-ACT Communications and Administration Head Elmer Argaño, natikitan ang mga pampublikong sasakyan tulad na jeep na karag-karag na at bumubuga ng maiitim na usok, samantala sinita lamang ang iba pang PUVs na gumagamit ng pudpod na gulong at hindi gumagamit ng head light.

May mga sinita rin umano silang mga Jeep na imbes na gamitin ay ginagawang sampayan ang seat belt.

Hinimok naman ni Argaño ang publiko na isumbong sa I-ACT ang mga pasaway na PUVs tulad ng Bus, Jeep, taxi at UV Express sakaling may mapansin silang paglabag ng mga ito tulad ng pamamasada nang walang ilaw at iba pa.

Kabilang sa maaring pagsumbungan ng publiko ay sa pamamagitan ng Facebook page nito na I-ACT at email address na [email protected]

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.