Mga bata, tinago sa kanal matapos kumalat ang banta ng ballistic missile sa Hawaii

Photo: The Gateway Pundit

Nagdulot ng tensyon sa mga residente sa Hawaii ang kumalat na text message na nagbibigay alerto ukol sa paparating na ballistic missile sa bansa.

Sa lumabas na report sa website na The Gateway Pundit, nakasaad na dahil sa nasabing mensahe, kanya-kanyang paraan ng pagtatago ang ginawa ng mga residente para makaiwas sa pinsalang dudulot ng missile.

Mayroon pang kumalat na larawan at video kung saan makikita na ipinapasok sa kanal ang mga bata.

Pero makalipas ang apatnapung minuto, muling nagpadala ng mensahe na nagsasabing ‘false alarm’ o hindi totoo ang paparating na ballistic missile.

Nakausap din ng The Gateway Pundit ang isang indibiduwal na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Hawaii, at aniya, nang matanggap ang mensahe ay agad silang pinapunta sa ballroom hall ng isang hotel para sa kanilang seguridad.

Matatandaang noong nakaraang taon, ilang beses nagbanta ang North Korea sa United States ukol sa paglulunsad ng missile at nuclear bomb tests, at kabilang sa maaaring madamay ay ang Hawaii.

Read more...