Habagat , mararamdaman sa Metro Manila sa susunod na 12 oras

habagat
Pagasa satellite photo

Nagpalabas ng kalatas ang PAGASA na posibleng magkaroon ng mga thunderstorms sa Metro Manila sa susunod na 12 oras habang patuloy na lumalapit ang bagyong si Jenny sa Northern Taiwan.

Dahil dito, ang epekto ng hanging habagat ay umabot na ngayon sa Southern Luzon at posibleng maramdaman bagamat hindi naman kalakasan sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Pagasa forecaster Aldzar Aurelio, habang tumataas ang direksyon ng sama ng panahon, tumataas din naman ang pagtama ng southerwest monsoon ngayong weekend.

Ang bagyong Jenny ay isa ng category 2 typhoon at may lakas na 165 kph na hangin. Namataan ito sa layong 965 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos nang northwest sa bilis na 9kph. Inaasahan na tatagal pa ito sa loob ng par hanggang sa darating na araw ng Lunes.

Bagaman hindi magla-landfall ang bagyo sa Pilipinas, hinihila nito ang hanging habagat na nananalasa ngayon sa Visayas , Mindanao at ngayo’y nasa Bicol na at iba pang bahagi ng Southern Luzon.

Ang pagdating ng Habagat bagamat di kalakasan sa Metro Manila ay nataon naman sa ika limang taong anibersaryo ngayon ng bagyong Ondoy na naganap noong 2010.

Read more...