Isa na lang ang unidentified – PNP SOCO

June 11, 2015 - 07:46 AM

0415dziqBIsa na lamang sa 72 nasawi sa malagim na Kentex fire ang hindi pa nakikilala ng mga awtoridad.

Ayon sa Valenzuela City Public Information Office, ito  ay matapos kilalanin ng Scene of the Crime Operations o SOCO sa pamamagitan ng DNA ang mga bangkay.

Bigo naman na makuhanan ng DNA sample ng mga otoridad ang ika-72 bangkay dahil sa tindi ng pagkasunod nito.

Dahil dito, umabot na sa 71 mula sa 72 mga nasawi ang nakilala na.

Inaayos na ngayon ng pamilya ng mga bagong nakilalang biktima ang libing ng mga namayapa nilang mahal sa buhay.

Mayo 14 nang matupok ng apoy ang pabrika ng Kentex Manufacturing  na pagawaan ng mga tsinelas sa Bgy. Ugong, Valenzuela City.

Na-trap ang mga manggagawa sa second floor matapos magsimula ang apoy sa ground floor malapit sa exit ng pabrika.

Hindi naman nagawang makatalon para makaligtas ang mga manggagawa dahil sa rehas na bakal na nakakabit sa mga bintana ng pagawaan. / Erwin Aguilon

TAGS: DNA, fire, Kentex, Radyo Inquirer, DNA, fire, Kentex, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.