Pilipinas at China, muling mag-uusap sa Pebrero ukol sa South China Sea

By Rhommel Balasbas January 14, 2018 - 06:34 AM

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magaganap sa Pebrero ang ikalawang bilateral consultation mechanism (BCM) o pormal na negosasyon ng Pilipinas at China ukol sa South China Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na idudulog sa BCM ang mga naiulat na pagbabago sa naturang teritoryo.

Siniguro ng kalihim na lahat ng aktibidad sa pinag-aagawang mga isla kabilang na ang sinasabing transpormasyon ng Fiery Cross Reef tungo sa isang military airbase ay itataas sa BCM.

Kamakailan ay ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakatanggap sila ng ulat na nagsasagawa ng militarisasyon ang China sa ilang bahagi ng South China Sea.

Ayon kay Cayetano, bagaman hindi pa isandaang porsyentong buo ang resolusyon para sa sigalot sa pinag-aagawang mga teritoryo ay malaking tulong ang BCM para makausad ang Pilipinas at China.

Naganap ang unang BCM meeting ng Pilipinas at China noong May 19, 2017 sa Guiyang, Guizhou Province, China.

Kahit nakatakda na sa Pebrero ang ikalawang BCM ay wala pa namang venue para dito na iaanunsyo ng DFA sa lalong madaling panahon.

TAGS: bilateral consultation mechanism (BCM), DFA, Sec. Cayetano, South China Sea, bilateral consultation mechanism (BCM), DFA, Sec. Cayetano, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.