Mas mataas na work pay dahil sa TRAIN law, matatanggap na mula bukas

Iginiit ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III na makatatanggap na ng mas mataas na take-home pay ang mga manggagawa mula bukas.

Nagsimula na kasi ang pag-arangkada ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa simula ng 2018 na nagtaas sa tax-free income sa P250,000 sa mga indibidwal na manggagawa.

Ayon sa mambabatas, mararamdaman na ng mga manggagawa ang positibong epekto ng naturang batas.

Anya, ang mga sumasahod ng P685 kada araw o P20,833 kada buwan ay hindi na kakaltasan ng income tax.

Hindi anya magiging patas kung hindi pa nagkaroon ng adjustments sa panig ng mga employers kung hindi pa maipapatupad ang bagong sistema.

Sinabi ni Albano na bago pa man matapos ang 2017 ay naipaalam na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga nagnenegosyo ang bagong withholding tax schedule.

Dahil dito, hinimok ng mambabatas ang BIR at Department of Labor and Employment na siguruhing maibibigay ng mga employers ang mga naipong bahagi ng sweldo ng mga manggagawa nang hindi lalampas sa ikalawang bahagi ng buwan.

Read more...