CBCP, pipigilan ang death penalty bill

By Rhommel Balasbas January 14, 2018 - 04:29 AM

Nangako ang Catholic’s Bishops Conference of the Philippines na pipigilan ang pagpasa ng death penalty bill para maging ganap na batas.

Ayon kay CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rodolfo Diamante, hindi titigil ang CBCP sa paghikayat sa mga mambabatas na isabuhay ang hustisya na mangangalaga sa paggagalang sa dignidad ng buhay ng tao.

Ang pahayag ng CBCP ay inilabas matapos mapaulat na magsasagawa ngayong buwan ang Senado ng public hearings ukol sa death penalty.

Dismayado rin ang opisyal dahil ang mga pagdinig ay pangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao na kilala bilang isang Kristiyano.

Anya, mananatili ang CBCP partikular ang kanyang komisyon na itaguyod ang pagpapasa sa mga batas na isasaalang-alang ang turo ng ebanghelyo.

Umaasa anya siya na boboto ang Senado gamit ang kanilang konsensya.

Samantala, nauna nang nagpahayag si Sen. Panfilo Lacson na posibleng mabitay lang sa Senado ang panukalang batas.

Ayon kay Lacson, karamihan sa mga Senador ay hindi sang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

TAGS: CBCP to oppose death penalty bill, CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, CBCP to oppose death penalty bill, CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.