Mga tiwaling opisyal dapat nang lumayas sa gobyerno bago pa tuluyang masibak – Roque

By Rhommel Balasbas January 14, 2018 - 04:12 AM

Sinabi ng Palasyo ng Malacañang na magpapatuloy ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korapsyon at katiwalian.

Sa isang pulong balitaan sa Cebu ay may payo si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at pulis na nakatakdang pangalanan na sa susunod na linggo.

Sinabi ni Roque na dapat ay mag-impake na ang mga ito at tuluyan nang iwanan ang gobyerno bago pa man sila tuluyang masibak ng presidente.

Anya, dapat magtrabaho na lamang ang mga ito sa pribadong sektor kung saan mas mataas ang sahod.

Kung gusto anya ng mga ito na maging mayaman at mamasyal sa kung saan-saan ay iwan na ang gobyerno.

May rason naman ayon kay Roque kung bakit hindi agad pinangalanan ang mga tiwalang opisyal.

Ilan sa mga nasibak na sa pwesto ay sina Presidential Commission for Urban Poor Chairman Terry Ridon at Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Amaro III dahil sa kanilang mga byahe sa labas ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.