Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa lakas ng hangin sa lugar at umakyat pa ang sunog sa ikatlong alarma.
Ayon kay Fire Officer 1 Jenive Sadaya ng Parañaque City Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-6 ng gabi nang magsimula ang apoy.
Pasado alas-8 naman ng gabi nang ideklarang fire under control ang naturang sunog, kung saan 36 na pamilya ang nawalan ng tirahan.
Maswerteng walang nasaktan sa naturang pagliliyab.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng pinsala dulot ng insidente.
MOST READ
LATEST STORIES