Disaster preparedness, kabilang na sa curriculum ng 10 paaralan sa Central Visayas
Isinama na ng Department of Education (DepEd) – Central Visayas sa educational curriculum ng 10 paaraalan ang disaster risk reduction management (DRRM).
Ito ay upang maituro sa mga mag-aaral ang tamang pagresponde sa mga kalamidad at mabawasan ang peligrong dulot ng mga kalamidad.
Nakipag-ugnayan ang DepEd sa SEEDS Asia na isang organisasyong nakabase sa Japan.
Ipinasok ang konsepto ng disaster preparedness sa Math, Geometry at iba pang asignatura kung saan masusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral na magkalkula, kritikal na mag-isip at rumesponde sa mga kalamidad.
Kabilang sa 10 pilot schools ang paaralan sa mga lungsod ng Bogo, Carcar, Cebu at maging sa Danao, Lapu-Lapu, Mandaue, Naga, Talisay at Toledo.
Binigyan ang bawat paaralan ng mga tamang kagamitan at ‘information, education and communication’ (IEC) materials upang makatulong sa mga guro at mag-aaral na mapag-aralan ang naturang konsepto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.