Isa patay, tatlo sugatan sa pamamaril sa Taguig City

By Justinne Punsalang January 14, 2018 - 01:58 AM

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos mamaril ang isang riding in tandem sa Upper Bicutan sa Taguig City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Ryan Yalong habang kasalukuyang nagpapagaling sa Taguig Pateros District Hospital ang mag-asawang Rosalina at Samuel Lucero, at isang alyas Kalik.

Sinasabing isang dating police asset si Yalong.

Kwento ng mga testigo, bumili ng sigarilyo ang biktima nang biglang dumating ang riding in tandem na agad nagpaputok sa biktima.

Nagawa pang makatakbo ni Yalong ngunit namatay rin ito matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Samantala, sa pagtakbo ni Yalong ay natamaan rin ng bala ang tatlong iba pang mga biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

TAGS: 1 dead, 3 hurt in Taguig shooting incident, 1 dead, 3 hurt in Taguig shooting incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.