Isang residential area sa Quezon City nasunog

By Justinne Punsalang January 14, 2018 - 01:36 AM

Halos dalawang oras nasunog ang isang residential area sa Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

Alas-5 ng hapon nang magsimula ang apoy. Dahil sa magkakadikit ang bahay sa lugar at pawang gawa ang mga ito sa light materials ay agad na kumalat ang sunog.

Halos alas-7 na ng gabi nang tuluyang naapula ang naturang sunog, kung saan 25 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay Fire Officer 3 Leonathan Tumbaga na isang arson investigator ng Quezon City Fire Department, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nanagsimula ang apoy mula sa kusina ng isang bahay na pag-aari ni Marita Ranque.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak ng mga otoridad kung paano nagsimula ang naturang sunog.

Nagtamo naman ng galos sa paa ang isang babae matapos matapakan ang isang basag na bote habang lumilikas sa lugar.

Aabot sa P150,000 ang kabuuang halaga ng pinsala dahil sa sunog.

TAGS: Fire destroys residential area in QC, Fire destroys residential area in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.