24 na mga mangingisda nailigtas sa Camarines Sur

By Rohanisa Abbas January 13, 2018 - 08:44 PM

Nailigtas ang 24 na mangingisda habang patuloy na hinahanap ang isa pa nilang kasamahan sa karagatang sakop ng Camarines Sur.

Ayon kay Luzena Bermeo, pinuno ng Environment, Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO), hindi pa rin natatagpuan hanggang sa ngayon ang mangingisdang si na si Lito Baruel, 47 taong gulang at residente sa bayan ng Caramoan.

Si Baruel ay kabilang sa grupo ng mga mangingisda na pumalaot sa kabila ng masamang panahong idinulot ng tail-end of cold front.

Sinabi ni Bermeo na sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at EDMERO ang mga mangingisda sa karagatang bahagi ng mga bayan ng Siruma at Tinambac.

Samantala, nanatiling lubog sa tubig-baha dahil sa patuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Camarines Sur.

TAGS: camarines sur, cramoan, Pagasa, tail-end of a cold front, camarines sur, cramoan, Pagasa, tail-end of a cold front

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.