Excise tax sa gasolina at diesel ramdam na sa susunod na linggo

By Den Macaranas January 13, 2018 - 07:21 PM

Simula sa susunod na linggo ay mararamdaman na ng mga motorista ang epekto ng excise tax sa mga produktong petrolyo dahil paubos na ang buffer o stock ng mga oil companies na nabili nila noong nakalipas na taon.

Sa pagtaya ng mga insider sa oil industry, aabot sa average na P3.77 hanggang P3.87 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.

Nakapaloob dito ang excise tax na P2.97 kada litro at import tax na mula P0.80 hanggang P0.90 sa bawat litro ng nasabing uri ng petrolyo.

Aabot naman sa halagang P3.20 hanggang P3.30 bawat litro ang inaasahang dagdag sa halaga ng diesel.

Sa nasabing halaga, P2.80 kada litro ang dagdag na excise tax at mula P0.40 hanggang P0.50 per liter ang bayad sa import taxes.

Ang dagdag presyo sa gasolina at diesel dahil sa excise tax ay hiwalay pa sa naunang anunsyo ng Department of Energy na oil price hike dahil naman sa paggalaw ng presyo nito sa world market.

Ayon sa DOE, asahan ang dagdag na P0.90 kada litro sa presyo ng gasolina samantalang P0.50 sa bawat litro ng diesel.

TAGS: diesel, DOE, excise tax, gasolina, import tax, train law, diesel, DOE, excise tax, gasolina, import tax, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.