Mas malamig na Valentine’s Day asahan ayon sa Pagasa

Inquirer file photo

Kumpara noong nakalipas na taon ay mas magiging malamig ang Valentine’s Day sa taong ito ayon sa Pagasa.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Pagasa forecaster Robb Gile na delayed ang pagpasok sa bansa ng hanging amihan hindi tulad noong 2017 na buwan pa lamang ng Nobyermbre ay malamig na.

Inaasahan ang malamig na panahon sa bansa hanggang sa huling linggo ng buwan ng Pebrero.

Partikular na makararanas ng malamig na hangin mula sa Siberia ay ang Northern Luzon.

Isa pa sa nagpapalamig sa ating panahon sa kasalukuyan ay ang malakas na ihip ng hangin hatid ng tail end of a cold front.

Mamayang gabi, sinabi ng Pagasa na posibleng umabot sa 12 degrees celcius ang temperatura sa Baguio City at lalawigan ng Benguet.

Read more...