Dating Sec. Garin isinangkot sa “mafia” sa DOH

By Den Macaranas January 13, 2018 - 03:19 PM

Inquirer file photo

Isinabit ng dating consultant sa Department of Health si dating Health Sec. Janette Garin bilang isa sa mga miyembro ng “mafia” sa loob ng kagawaran.

Sinabi ni Dr. Francis Cruz na isa lang ang kontrobersiyal na P3.5 Billion na Denvaxia vaccine sa mga pinagkakitaan ng grupo ni Garin na kinabibilangan ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.

Hinamon rin ni Cruz si Health Sec. Francisco Duque na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga opisyal ng DOH.

Sinabi pa ng dating opisyal na hindi bababa sa P35 Billion ang kinita ng mafia sa loob ng DOH dahil sa kanilang mga transaksyon para sa iba’t ibang mga ghost projects tulad ng Health Facilities Enhancement Program at at pagbili ng iba’t ibang uri ng mga gamot na may malaking patong ng salapi ang halaga.

Naisumite na rin umano ni Cruz ang kanyang mga dokumento kay Sen. Richard Gordon na siyang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanyang mga hawak na dokumento.

Sa susunod na pagdinig ng Senado sa isyu ng Dengvaxia ay isisiwalat umano ni Cruz ang iba pa sa kanyang mga nalalaman na gawain ng mafia sa DOH.

Samanatala, sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption na pinag-aaralan na nila ang mga kasong isasampa laban sa ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH na isinabit ni Cruz sa kanyang expose’.

TAGS: Blue Ribbon, cruz, Dengvaxia, doh consultant, mafia, Senate, Topacio, vacc, Blue Ribbon, cruz, Dengvaxia, doh consultant, mafia, Senate, Topacio, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.