Kaugnay sa ika-anim na taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Ondoy noong September 26 2009, isang marathon para sa kalikasan ang nakatakdang lahukan ng may tatlong libong runners sa Marikina City.
Ayon kay Marikina City Mayor del De Guzman, target ng nasabing marathon na makalikom ng pondo para sa pagtatanim ng 28-milyong mga puno sa paligid ng Marikina Water Shed area.
Gaganapin bukas ang nasabing marathon sa pangunguna ng Marikina Water Shed Green Foundation sa paligid ng Marikina River Park kung saan ay pwedeng pumuli ang mga kalahok sa 3, 5 at 10-kilometers distance.
Ang Marikina City ang isa sa mga lubhang binaha sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy kung saan ay halos 90-percent ng lungsod ang lumubog sa tubig.
Umaabot ang 467 ang kabuuang bilang ng mga namatay samantalang nasa 37 katao naman ang hanggang sa ngayon ay nawawala.
Ang bagong Ondoy rin ang maituturing na isa sa mga pinaka-mapinsalang sama ng panahon na tumama sa bansa dahilan para ilipat ang ilang mga naninirahan malapit sa mga waterways.