Inamin ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na inabuso ng ilang mga pulis ang ginawa nilang pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa nakalipas na taon.
Pero tiniyak ng opisyal na mananagot sa batas ang mga nagkamali at nagsamantala sa kanilang tungkulin kaugnay sa inilunsad ng pamahalaan na war on drugs.
Tumanggi naman ang opisyal na idetalye ang pagkakamali na nagawa ng kanyang mga tauhan dahil iniimbestigahan na umano ito ng kanilang Internal Affairs Service (IAS).
Kasabay nito ay ipinagmalaki naman ni Dela Rosa na sa kabuuan ay naging matagumpan ang kanilang kampanya kontra sa droga.
Ibinida rin ng opisyal na umaabot sa 3,000 mga drug personalities ang kanilang napatay sa mga lehitimong operasyon ng PNP.
Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na muling bubuhayin ang Oplan Tokhang pero kanyang nilinaw na mananatiling ang Philippine Drug Enforcement Agency ang siyang lead agency sa war on drugs.
Pinaalalahanan rin niya ang kanyang mga opisyal na ipatupad nang maayos ang operasyon na may kinalaman sa iligal na droga.