World class na beach sa lalawigan ng Cagayan ipinasara ng CEZA
Sarado muna sa mga turista ang isa sa itinuturing na pinakamagandang beach sa mundo na matatagpuan sa Sta. Ana, Tuguegarao City.
Pinatigil ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ang operasyon ng nasabing tourist spot dahil sa paglabag sa sanitation facilities, building construction at environmental laws.
Ayon kay CEZA Chief Executive Officer Raul Lambino, mananatiling sarado ang nasabing beach front na matatagpuan sa Sitio Nangaramoan sa Brgy. San Vicente.
Naging problema ng lokal na pamahalaan ang mga nagtatayo ng bahay sa Nangaramoan partikular na yung malalapit sa dalampasigan at kabundukan.
Ang 500-meters na white sand beach ay bahagi ng coral beaches sa coastline ng Cagayan province.
Taong 2013 nang kilalanin ito ng isang international news network bilang “one of the best in the world.”
Naging site din ito ng US reality series na “Survivor” noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.