MMDA: Trapiko sa Edsa lumuwag dahil sa extended mall hours

By Den Macaranas January 13, 2018 - 08:42 AM

Inquirer file photo

Hinikayat ng Metro Manila Development Authority ang mga mall owners na panatilihin ang adjusted shopping hours para maisawan ang pagsisikip sa Edsa at ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na mas naging mabilis ang daloy sa Edsa noong Christmas season nang gawing alas-onse ng umaga hanggang alas-onse ng gabi ang mall hours.

ayon kay Pialago, mula nabawasan ng hanggang sa 30-minuto ang travel time ng mga bumabagtas sa Edsa at ilang mga pangunaging lansangan dahil sa adjusted mall hours.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na itutuloy nila ang serye ng mga road clearing operations para magamit ang mga inside streets at hindi magsiksikan ang mga sasakyan sa Edsa at ilan pang mga pangunahing lansangan.

Bukod sa mga nakaparadang mga sasakyan sa gilid ng mga daan at target rin ng I-ACT ang pag-aalis ng ilang mga iligal na istraktura tulad ng mga tindahan at basketball courts sa mga daan.

Sinimulan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paghuli sa mga sasakyang bulok at mausok para mas mapagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

TAGS: edsa, i-act, malls, mmda, pialogo, edsa, i-act, malls, mmda, pialogo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.