“Bituing Walang Ningning”, the musical, muling itatanghal sa Resorts World

By Jen Cruz-Pastrana September 26, 2015 - 11:40 AM

antointte taus
inquirer file photo

Ang bagong bibigkas ng pinakasikat na linya sa pelikula “trying hard copycat” at magbubuhos ng isang basong tubig ay ang dating childstar na si Antoinette Taus kung saan siya ang gaganap sa nagpapatuloy na musical show sa Resorts World Manila, Newport Performing Arts sa Pasay City.

Simula sa October, ang movie actress at ngayon ay stage actress na si Antoinette ang gaganap sa sika na kontrabida sa “Bituing Walang Ningning, The Musical,” na si Lavinia Arguelles na dati at original na ginampanan ni Cherie Gil noong 1985 na nagpahirap kay Megastar Sharon Cuneta na gumanap naman sa karakter na Dorina.

Si Antoinette ang pumalit kay Cris Villonco habang si Mark Bautista ay si Nico Escobar ang record producer na unang ginampanan ng batikang actor na si Christopher de leon.

Pasok din sa nasabing musical sila Ronnie Liang, Jay Roa, John Nite, Michael Stuart Williams and Menchu Lauchengco-Yulo at Epy Quizon kapalitan ni Jon Santos para sa role naman na tiyahin ni Dorina.

Ang mga dating creative team pa rin ang nasa likod na nasabing matagumpay na sold-out show sa pangunguna ng director nito na si Freddie Santos at ang Manila Philharmonic Orchestra sa ilalim ni maestro Rodel Colmenar upang buhayin din ang mga musika ni Willy Cruz.

TAGS: Antoinette Taus, Bituing walang ningning, Resorts world, Antoinette Taus, Bituing walang ningning, Resorts world

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.